--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang ilang kababaihan matapos maaktuhang nagsusugal sa  Barangay Zone 2 sa bayan ng San Mariano, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Francis Pattad,  hepe ng San Mariano Police Station sinabi niyang naaktuhang tumataya at nagsusugal ang mga suspek sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.

Nakumpiska sa lugar ang mga baraha at bet money na nagkakahalaga ng isang daan at dalawang piso.

Sinabi pa ni PMaj. Pattad na ang ilang nahuling nagsusugal ay halos paulit ulit nang naaaresto sa kabila ng pagsasampa ng kaso sa kanila sapagkat aniya na madalas at karamihan ay nakakapag-piyansa.

--Ads--

Paliwanag naman ni PMaj. Pattad na hindi basta-basta maaaring mag-aresto ang mga kapulisan ng mga nagsusugal sa loob ng bahay dahil kailangan muna silang mag secure ng search warrant bago ito mapasok.

Panawagan niya sa publiko na iulat sa kanilang himpilan ang mga nakikitang nagsusugal sa mga barangay upang mapuntahan at maaresto ang mga ito.