--Ads--
Idineklara ng pamahalaang lungsod ng Iligan ang state of calamity nitong Biyernes dahil sa pinsalang dulot ng Tropical Depression Basyang.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 26-101 na ipinasa sa isang special session, mabubuksan ang calamity funds ng lungsod para sa pagbibigay ng relief services, tulong sa mga evacuees, at pagsasaayos ng mga nasirang imprastruktura.
Sa isang public briefing, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na nagsasagawa na ng search and retrieval operations sa Iligan. May 13 evacuation centers na kasalukuyang tumutulong sa 432 pamilya o mahigit 1,600 indibidwal.
--Ads--











