--Ads--

Posibleng manatili sa mahigit 6 porsyento ang inflation sa Pilipinas hanggang katapusan ng taon, ayon sa isang congressional think tank.

Kabilang sa mga nakikitang banta ang posibleng mahinang ani at patuloy na epekto ng sigalot sa Middle East, na maaaring makaapekto sa suplay ng mga pangunahing bilihin.

Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 6.2 porsyento ang inflation noong Hulyo, mula 6.4 porsyento noong Hunyo.

Ayon sa grupo, maaari itong magdulot ng karagdagang pressure sa presyo ng pagkain at iba pang pangunahing produkto, lalo na kung maaantala ang produksyon at distribusyon ng mga bilihin.