--Ads--
Sinuspinde ng Iraq ang operasyon ng mga flight mula Iran sa apat na paliparan sa bansa kasunod ng ipinataw na sanctions ng Estados Unidos laban sa aviation sector ng Iran.
Ayon sa mga ulat, apektado ng suspensyon ang lahat ng Iranian flights na dating gumagamit ng apat na paliparan sa Iraq.
Bunsod nito, nagbabala ang Iran na maaaring magkaroon ng mas malawak na pagkaantala at kaguluhan sa aviation sector sa rehiyon kung patuloy na hahadlangan ang pagpasok ng kanilang mga eroplano sa mga paliparan ng ibang bansa.
Hindi pa naman malinaw kung hanggang kailan mananatili ang suspensyon, ngunit patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang posibleng epekto nito sa mga biyahero at sa operasyon ng mga airline sa rehiyon.
--Ads--











