--Ads--

Apat ang nasawi habang 35 naman ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang power station sa southern Iraq.

Batay sa ulat, matagumpay nang naapula ng Civil Defence Directorate ang sunog sa Hartha Power Station at sa mga kalapit nitong kabahayan.

Dahil sa insidente, napilitang ihinto ang operasyon ng naturang pasilidad na may kapasidad na makalikha ng 800 megawatts ng kuryente.

Sa mga kumakalat na video sa social media, makikita ang makakapal na usok na nagmumula sa lugar, mga sasakyang natupok ng apoy, at mga residenteng nagmamasid habang isinasagawa ang emergency response.

--Ads--

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog.