--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang automated Counting Machine (ACM) demonstration sa lungsod ng Cauayan kung saan naikutan ang lahat ng barangay sa loob lamang ng 48 araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sinabi niya  na bagaman naging mas maganda na ang pag boto sa nalalapit na voting day ay mayroon pa rin namang nakikitang problema rito dahil wala sa feature ng ACM ang ma detect kung tama ang pangalan ng kandidatong binoto bago pa man itong masumite sa makina.

Tulad na lamang ng mga blind o bulag aniya na hirap sa pag boto, kinakailangan nila ng gabay ng kanilang kakilala o kapamilya para sa pag boto.

Ngayon pa lamang aniya ay dapat na pumili na ang mga PWD ng kanilang pinagkakatiwalaang indibidwal na sasama sakanila sa mga presinto na tiyak na hindi dadayain ang kanilang balota.

--Ads--

May earphone naman aniya ang ACM kung saan ay mapapakinggan naman ng mga bulag na voters ang mga pangalan sa kanyang balota kapag ito na ay pinasok sa machine, ngunit kapag naipasok na umano ito sa machine ay hindi na pwedeng bawiin pa ng mga botante ang kanilang balota kaya kung iba man ang mga pangalan na lumabas ay kailangan na lang tanggapin ng PWD.

Dagdag pa ni Atty. Ito na ang kanilang nakikitang nananatiling problema at wala nang pananagutan ang comelec o ang mga electoral board sakaling mali ang isusulat o bibilugang pangalan ng mga assistant.