--Ads--
Pumayag ang Israel at Lebanon sa 45-araw na pagpapalawig ng ceasefire na layong mapahupa ang tensyon sa southern Lebanon sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah na suportado ng Iran.
Ayon sa isang opisyal ng US State Department, pinalawig ang April 16 cessation of hostilities ng 45 araw upang magpatuloy ang mga hakbang tungo sa pagresolba ng matagal nang sigalot sa pagitan ng dalawang bansa, at tinawag ang pag-uusap na produktibo.
Nakatakda sanang magtapos ang ceasefire sa Mayo 17, ngunit nagpatuloy ang negosasyon matapos ang serye ng pagpupulong ng mga delegasyon ng Lebanon at Israel mula nang sumiklab ang panibagong tensyon noong Marso.











