--Ads--

Muling nagsagawa ng pag-atake ang militar ng Israel sa southern Lebanon nitong Linggo bilang ganti umano matapos magpakawala ng dalawang drone ang Hezbollah laban sa mga sundalong Israeli na nakatalaga sa bahagi ng lugar na idineklarang security zone ng Israel.

Bago ang pag-atake, naglabas ang Israeli military ng evacuation warning sa mga lugar malapit sa isang gusali sa Arab Salim, South Lebanon, na sinabing ginagamit umano ng Hezbollah.

Wala pang agarang pahayag ang Hezbollah, na suportado ng Iran, kaugnay ng panibagong pag-atake.

Noong Biyernes, sinabi rin ng Israeli military na tinarget nito ang mga pasilidad sa southern Lebanon na pinaniniwalaang imbakan ng mga armas na nakalaan umano para sa Hezbollah.

--Ads--

Samantala, mahigit 4,300 katao na ang iniulat na nasawi sa Lebanon dahil sa mga pag-atake ng Israel mula noong Marso 2.