Naglabas ng evacuation order ang Israeli military para sa malaking bahagi ng southern Lebanon habang naghahanda ito ng panibagong pag-atake laban sa grupong Hezbollah.
Pinayuhan ng Israel Defense Forces (IDF) ang mga residente na lumikas pahilaga ng Zahrani River at idineklarang “combat zones” ang ilang lugar sa timog Lebanon.
Ito na ang pinakamalawak na evacuation order mula nang magkabisa ang ceasefire noong Abril 17, na sumasaklaw sa humigit-kumulang 14 porsyento ng teritoryo ng Lebanon.
Nauna nang nagsagawa ng airstrikes ang Israel sa lungsod ng Tyre matapos ianunsyo ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagpapalawak ng ground operations kasunod ng umano’y drone attacks ng Hezbollah.
Patuloy namang nagbabantaan ang magkabilang panig habang tumitindi ang tensyon sa hangganan ng Israel at Lebanon.











