--Ads--

Inihayag ng militar ng Israel na nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga miyembro ng Hezbollah at mga imprastraktura nito sa southern Lebanon, sa kabila ng kasunduan ng US at Iran na naglalayong itigil ang mga pag-atake sa nasabing bansa.

Sa isang pahayag, kinumpirma rin ng militar ng Israel na nagsagawa sila ng maraming airstrike sa southern Lebanon sa magdamag, na anila ay tugon sa paulit-ulit na paglabag sa ceasefire ng Hezbollah.

Ayon naman sa ulat ng National News Agency ng Lebanon, hindi bababa sa 16 katao ang nasawi sa pinakabagong pag-atake, habang may ilan ding sugatan at nawawala sa iba’t ibang bahagi ng Nabatieh district.