CAUAYAN CITY – Nanguna si Jan Paul Morales ng Philippine Navy Standard Insurance at tubong Marikina City sa stage 4 ng Ronda Pilipinas 2018 mula Tuguegarao City hanggang Echague, Isabela.
Si Jan Paul Morales ang namayani sa 96 na siklista na bumagtas sa 133.40 kilometers sa pamamagitan ng naitalang 3 hours 7 minutes and 42 seconds.
Noong 2016 at 2017 ay si Morales ang naging ang overall champion sa Ronda Pilipinas.
Nagsimula ang 12 stage Ronda Pilipinas 2018 sa Vigan City patungong Provincial Capitol ng Ilocos Sur ; ang stage 2 ay mula Vigan City hanggang Pagudpud, Ilocos Norte; ang stage 3 ay Pagudpud hanggang Tuguegarao City at ang stage 4 ay mula Tuguegarao City hanggang Echague, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Morales na P/10,000 ang premyo ng stage 4 winner.
Sa stage 1 hanggang stage 4 ay si Morales ang ikalawang overall leader at ang nangunguna ay si Ronald Oranza.
Samantala, 2nd place sa stage 4 si George Oconer ng Team Go For Gold, 3rd si Ronnel Juanda ng Go for Gold Developmental team, 4th place si Ronald Oranza na siyang overall leader.
Nasa ikalimang puwesto si Rudy Roque ng Standard Insurance at ikaanim si Alfie Catalan ng Team Philippine Army.
Ikapito si Jaybob Pagnanawon ng Team Bike Xtreme habang ikawalo si Irish Valenzuela ng CCN Superteam; ikasiyam si Jay Lampawog ng Go for Gold Dev’t Team at ikasampu si Ronald Lomotos ng Philippine Navy Standard Insurance.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa race director na si Jingo Hervas, sinabi niya na inanyayahan sila ni Gov. Faustino Dy ng Isabela para isagawa ang isang stage sa Isabela.
Ang stage 5 ay mula Echague, Isabela hanggang San Jose City sa Nueva Ecija.
Isang milyong piso aniya ang mapapanalunan ng siklistang magkakampeon matapos ang 12 stage sa Filinvest Alabang sa March 18, 2018
Nagpasalamat din si Hervas sa mga lalawigan na nagbigay ng suporta sa kanila sa nakaraang apat na stage ng Ronda Pilipinas 2018.




