Nakasagupa ng 98th Infantry Battalion ang nasa higit kumulang dalawampu na bilang ng Teroristang Grupo ng Platoon Dos na kasapi ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC) sa Sitio Dagui, Barangay Maragat, Kabugao, Apayao.
Kaugnay dito, ilang concerned citizens ang nagsumbong sa mga tropa ng 98 infantry battalion tungkol sa presensya ng mga di kilalang armadong NPA kaya agad na nagsasagawa ng opensibang militar ang 98 infantry battalion sa lugar na itinuro ng nakakitang impormante kung saan nangyari ang engkwentro.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga gamit pandigma ng ICRC katulad ng dalawang M16 rifle, isang garand rifle, isang M203 rifle, isang caliber 9mm pistol, 22 Improvised Explosive Device, walong cell phone, isang rifle grenade, limang magazine at bala, limang sim card, sampung USB, apat na SD card, kabilang ang mga personal na kagamitan na may bakas ng mga dugo.