Itutuloy ni Kai Sotto ang pangarap na makapaglaro sa National Basketball Association sa pamamagitan ng pagpasok sa National Collegiate Athletic Association.
Sinabi ni SBP president Ricky Vargas na naghahanap ng kolehiyo ang 7-foot-3 center upang maipagpatuloy ang kanyang NBA bid. Suportado naman ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Kung matutuloy, maaari siyang maging kauna-unahang full-blooded at homegrown Filipino na makapaglaro sa NBA.
Huling naglaro si Sotto sa Japan B. League ngunit patuloy ang kanyang rehabilitasyon mula sa ACL injury kaya hindi siya nakasama sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa second window ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Sa edad na 23, marami pang oportunidad para kay Sotto, kabilang ang posibilidad na makapaglaro sa NBA Summer League habang hinihintay ang susunod na international tournaments ng Gilas.










