--Ads--
Arestado ang isang karpintero sa lungsod ng Cauayan dahil sa kasong panggagahasa.
Ang akusado ay kinilala na si Roberto Suarez, limamput dalawang taong gulang, at residente ng Purok 4, Linglingay Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa PNP Cauayan, ang akusado ay No.7 Most Wanted Person Provincial Level.
Matagumpay na nahuli ang akusado sa pagtutulungan ng mga kapulisan ng Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ng hukom.
--Ads--
Nahaharap naman sa kasong Rape ang akusado na walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado bago ito iturn-over sa kanyang korteng pinagmulan.