--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumagilid ang isang kotse matapos na sumalpok sa nakaparadang kotse at close van sa barangay San Fermin.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumabas umano ang kotse mula sa isang hotel sa Barangay San Fermin nang salpukin nito ang nakaparadang kotse at close van.

Ayon kay Ginoong Bryan Marcelino tsuper ng close van, pagewang-gewang umano ang takbo ng kotse hanggang nabbangga nito ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabanga ay tumagilid ang kotse. Mapalad namang hindi nagtamo ng malubhang sugat ang driver nito na nagpasuray suray pa nang mailabas sa sasakyan.

--Ads--

Hindi naman makumpirma kung nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang driver nang maganap ang aksidente.