--Ads--

Muling sinalakay ng Russian forces ang Kyiv, Ukraine, ilang oras matapos tamaan ng drone ang National Academy of Sciences na ikinasawi ng dalawang katao.

Umalingawngaw ang mga pagsabog sa Kyiv nitong Martes ng madaling araw. Ayon kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko, tumama ang missile debris sa bakuran ng isang gusali habang nasunog naman ang isa pang gusali sa ibang bahagi ng lungsod.

Ayon sa Ukrainian authorities, bahagi ito ng serye ng pag-atake ng Russia gamit ang mas mabilis na jet-powered drones.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na 90 sa 120 drone na inilunsad laban sa Ukraine noong Lunes ay jet-powered, kung saan 57% lamang ang na-intercept ng kanilang air defenses.

--Ads--

Patuloy namang nananawagan ang Ukraine sa mga kaalyado nito para sa dagdag na air defense systems upang maprotektahan ang mga lungsod laban sa mga pag-atake.