--Ads--

Nasuspinde ang final ng Mubadala DC Open sa pagitan ng World No. 3 na si Jessica Pegula at World No. 28 na si Alexandra Eala dahil sa matinding sama ng panahon sa Washington, D.C.

Magpapatuloy ang laban sa Lunes, Agosto 3, alas-12:00 ng tanghali (local time sa Washington, D.C.) o Martes, Agosto 4, alas-12:00 ng madaling araw. Sa oras ng pagkakahinto ng laro, leading si Pegula sa iskor na 6-4, 2-1 sa ikalawang set, at siya rin ang magseserve sa pagpapatuloy ng laban.

Orihinal na nakatakdang magsimula ang final alas-12:00 kaninang madaling araw, ngunit naantala ito ng halos tatlong oras dahil sa mga thunderstorms. Nagsimula lamang ang laban bandang alas-3:00 ng madaling araw.

Muling bumuhos ang ulan habang nasa kalagitnaan ng ikalawang set, dahilan upang ihinto ang laro bandang 3:57 a.m. Hindi na muling nakabalik sa court ang dalawang manlalaro, at tuluyang ipinagpaliban ang laban bandang 9:06 a.m.

--Ads--

Target ni Eala na makuha ang kauna-unahang WTA Tour title sa kanyang karera, habang hangad naman ni Pegula ang kanyang ikalawang titulo sa Washington, D.C. (matapos manalo noong 2019) at ika-12 niyang WTA singles title.