--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaglalamayan na sa kanilang tahanan sa  Balagan, San Mariano,  Isabela ang bangkay ni Analiza Laman Cagurangan,  ang  OFW  na nagpakamatay sa Oman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Albert Dimaano,  Marketing officer ng Agency na nagpadala kay analiza na  magbibigay ang kanilang kompanya ng  tulong pinansiyal sa mga naulilang anak at sa pamilya ni Analiza maliban pa sa tulong na ibibigay ng Overseas Worker Welfare Administration(OWWA) region 2.

Nagulat umano sila nang  makita si Analiza na nagbigti gamit ang  kumot na itinali nito sa  ceiling fan na nasa loob ng kuwarto.

Sinabi naman ni Sangguniang Bayam Member Susan Duca,chairman ng committee on justice and human rigths ng SB San Mariano na  mabilis   ang pagpapauwi ng bangkay ni Analiza sa bansa dahil agad  nakipagtulungan sa kanila ang asawa nito na siyang tatanggap at nilagdaan  ang mga dokumento na kinakailangan sa pagpapauwi  sa tulong ng DFA, OWWA at DOLE.

--Ads--