--Ads--

Arestado ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Batal, Santiago City.


Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek matapos ang isinagawang transaksyon sa pagitan nito at ng poseur buyer kung saan nakabili umano ng hinihinalang shabu ang operatiba.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.1 grams at tinatayang street value na 7,480 pesos.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 1 Drug Enforcement Unit bilang lead unit katuwang ang PNP Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Regional Office 2.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.