--Ads--

Isang Swiss powerlifter ang nagpamalas ng matinding tibay ng katawan matapos manatiling nakabaon sa niyebe o “snow” nang mahigit dalawang oras na tanging trunks lang ang suot.

Si Elias Meyer, isang atleta na bihasa sa weightlifting, ay pinili ang hamon na ito para maitala ang world record title na “longest time spent in direct full body contact with snow.

Naitala niya ang dalawang oras at pitong segundo, lampas sa dating record na hawak ni Valerjan Romanvoski noong 2022, na tumagal ng isang oras, 45 minuto at 2 segundo.

Bagamat matindi ang lamig, inamin ni Meyer na mas nahirapan siya sa bigat ng niyebeng nakapatong sa kanyang katawan kaysa sa lamig mismo.

--Ads--

Dagdag pa ni Meyer, layunin niyang ipakita na “kayang lampasan ng katawan ng tao ang inaakalang limitasyon nito.”