--Ads--

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur nitong gabi ng Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa datos ng PHIVOLCS, yumanig ang lindol bandang alas-10:08 ng gabi, Hunyo 14. Nakita ang epicenter nito sa 08.55°N, 126.80°E, humigit-kumulang 54 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan.


Ayon sa ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala mula sa pagyanig, ngunit pinayuhan ang mga residente sa lugar na manatiling alerto sa posibleng aftershocks.

--Ads--

Patuloy na minomonitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon kasunod ng pagyanig.