--Ads--

Nasawi ang isang 21-anyos na lalaki matapos umanong makuryente at malunod sa baha sa New San Isidro, Barangay Buhangin, Davao City nitong madaling araw ng Martes, Mayo 19, 2026.

Kinilala ang biktima na si Aron James Pangaldine, isang pump boy at residente ng Manay, Davao Oriental na umuupa lamang sa naturang lugar.

Ayon sa Police Station 5 Buhangin, nakatanggap sila ng ulat bandang alas-2:35 ng madaling araw tungkol sa natagpuang bangkay na nakalutang sa baha sa harap ng tinitirhang bahay ng biktima.

Agad na rumesponde ang pulisya kasama ang rescue teams mula Barangay Buhangin at Central 911, at dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong patay alas-3:15 ng madaling araw.

--Ads--

Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang nakuryente ang biktima at saka nalunod sa baha na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.