--Ads--

Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na tumalon sa footbridge malapit sa Central Market sa Maynila.

Ang nasabing lalaki ay nakita ng ilang mga saksi na palakad-lakad sa footbridge bago ito tumalon bago mag-8:00 ng umaga.

Nagulat na lamang ang ilang mga motorista at tricycle driver ng bumagsak na ito sa kalsada.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Managemenet Office (DRRMO) para bigyan ng paunang lunas ang lalaki.

--Ads--

Dahil sa impact ng pagbagsak ay nakitaan ito ng bali sa kamay kung saan agad siyang dinala sa malapit na ospital.

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng lalaki sa kaniyang pagtalon.

Nagdulot naman ng bahagyang pagbagal sa daloy ng trapiko sa lugar ang insidente.