CAUAYAN CITY- Tinangay ng isang lalaki ang tablet sa isang bahay kainan sa Minante Uno, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Thur Calinao, may-ari ng bahay kainan sinabi niya na dakong alas kuwatro kahapon nang dumating ang isang lalaki sa kanilang bahay kainan at nag-order ng lomi.
Dahil dito ay pumasok anya siya sa kanilang kusina para magluto subalit paglabas nito ay wala na ang kanilang kostumer at kalaunan ay natuksalan din niyang nawawala na pala ang kanyang tablet.
Agad naman siyang lumabas para habulin ang nasabing lalaki subalit hindi na nito nadatnan.
Ayon anya sa kanilang kapit bahay na may-ari ng isang tindahan, mayroon ring bumili ng sigarilyo sa kanila at pagkatapos ng ilang sandali ay dumating ang kasama nito na tumatakbo at sinabihan ang kanyang kasama na paandarin ang motor at umalis na agad.
Nakita naman sa CCTV ng bahay kainan ang pangyayari.
Ayon kay Ginoong Calinao, bago lang kanyang tablet na ginamit ng mga kahera sa kanilang bahay kainan.
Nanawagan naman siya sa mga nakakakilala sa nasabing lalaki na makipag-ugnayan sa kanya at nagbigay babala na rin siya sa mga kapwa nito negosyante na mag-ingat sa mga ganitong gawain ng mga masasamang loob.