--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang lalaki dahil sa kasong Violence Against Women and their Children sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, una rito ay nakatanggap ng ulat ang Cauayan City Police Station kaugnay sa pananakit ng pinaghihinalaan sa isang babae na itinago sa pangalang Jeniffer kung kayat agad na tumugon ang pulisya at inaresto ang pinaghihinalaan.

Habang isinasagawa ang pag-aresto ay nakita sa mesa sa pasilyo ng bahay ang apat na piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dahil dito ay dinala ang pinaghihinalaan kasama ang mga ebidensiya sa Cauayan City Police Station para sa pagsasampa ng reklamong paglabag sa RA 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--