--Ads--

CAUAYAN CITY- Pagkalunod ang tinitingnang sanhi sa pagkasawi ng isang Lalaki na unang napaulat na nawawala matapos na matagpuan ang abandonado nitong motorsiklo sa Palattao Bridge, sa Naguilian, Isabela.

Matatandaan na dakong 5:30 ng hapon kahapon nang matagpuan ang bangkay ni John Mark Soriano na palutang-lutang sa Cagayan River na bahagi ng Brgy. Pilar, Ilagan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Jeffrey Raposas, Hepe ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na malinis ang katawan ng biktima at hindi ito nakitaan ng anumang injury maliban na lamang sa bloated ang katawan nito dahil sa pagkalunod.

Gayunpaman ay magsasagawa pa rin sila ng karagdagang imbestigasyon hinggil dito upang matukoy ang talagang sanhi ng pagkamatay nito.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pa namang pagpapahayag ang pamilya nito hinggil sa pagkamatay ng kanilang kaanak ngunit handa naman silang magsagawa ng awtopsiya kung hihilingin ng pamilya.