Arestado ang isang 63-anyos na lalake na nahaharap sa kasong Sexual Assault sa isinagawang operasyon ng Cauayan City Police Station sa Burgos Street Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.
Binansagang Top 6 Provincial Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela ang naturang suspek na kinilalang si alyas Emil, isang mekaniko, at residente rin ng nabanggit na lugar na kasalukuyang nahaharap sa kasong Sexual Assault kaugnay sa section 5 (B) ng R.A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimnation Act).
Naaresto ito sa ikinasang operasyon nang pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station bilang lead Unit, PIU-IPPO, RMU2, RIU-PIT, at 2nd IPMFC sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng isang Presiding Judge ng RTC, Second Judicial Region, Branch 19, Cauayan City, Isabela na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng PNP Cauayan para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.