Nangako si Senate President Win Gatchalian na aalisin ang lump sum funds sa 2027 national budget kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng ilang probisyon ng 2024 at 2025 national budget, gayundin ng ilang probisyon sa 2026 budget, bilang labag sa Konstitusyon.
Tiniyak ni Gatchalian na walang lump sum funds na makalulusot sa 2027 budget dahil sa pagiging unconstitutional ng mga ito.
Gayunman, mananatili sa pambansang badyet ang unprogrammed appropriations dahil hindi naman idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang naturang pondo.
Ayon kay Gatchalian, kailangan lamang magtakda ang Senado ng malinaw na mga parameter o panuntunan upang matiyak ang wasto at maayos na paggamit nito.
Tinatayang nasa dalawa hanggang limang porsiyento ng kabuuang pambansang badyet ang nakalaan para sa unprogrammed appropriations, dagdag ng Senate President.











