--Ads--
Niyanig ng magkakasunod na lindol ang bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya ngayong hapon, Setyembre 12.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, unang naitala alas-1:10 ng hapon ang magnitude 3.5 na lindol na may lalim na 10 kilometro at natukoy sa 5 kilometro timog-kanluran ng Ambaguio.
Sinundan ito ng magnitude 3.2 na lindol alas-1:22 ng hapon na may lalim na 8 kilometro at namataan sa 4 na kilometro timog-kanluran ng naturang bayan.
Nauna ring naitala alas-1:21 ng hapon ang magnitude 2.0 na lindol sa parehong lugar, habang isang magnitude 3.4 na pagyanig naman ang naitala alas-10:15 ng umaga.
--Ads--
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig at wala namang inaasahang pinsala, subalit posible ang mga aftershock.











