CAUAYAN CITY- Arestado ang magpinsan matapos masamsaman ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operasyon sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya na mayroon silang natanggap na impormasyon mula sa mga concerned citizen na mayroong baril ang magpinsan ginagamit umano nila sa pag-hunt ng ibon.
Dahil dito ay nagkasa ng dalawang search warrant ang Dupax Del Norte Police Station para halughugin ang mga bahay ng magpinsan na kapwa nakatira sa parehong Barangay.
Dito na aniya nakita sa kanilang mga bahay ang Calibre 22 rifle na ginagamit sa pag-hunt at calibre 45 na baril.
Nakita naman sa bahay ng isa pa ang Calibre 45 at iba’t ibang uri ng bala ang nakuha sa kaniyang pag-iingat.
Wala naman umano silang record sa Barangay at ginagamit lang nila sa pag-hunt ang kanilang mga baril ngunit hindi lisensyado ang mga ito.