--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka matapos tuklawin ng ahas sa San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay si Samuel Limo, 52 anyos at residente ng barangay San Antonio, San Mateo, Isabela.

Nagtungo umano sa bukid ang biktima at doon natuklaw ng makamandag na ahas.

Agad naumuwi ang biktima at nagpatulong sa mga kamag-anak na dalhin sa ospital.

--Ads--

Dinala siya sa ospital subalit binawian din ng buhay dahil kumalat na ang kamandag ng ahas sa kanyang katawan