--Ads--

CAUAYAN CITY–  Magtatapos  bukas,araw ng Biyernes  ang 317  candidate soildiers ng 5th star Infantry Division Philippine Army na nakahimpil sa Upi Gamu,Isabela.

Sa  panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Noriel Tayaban,  Division Public Affairs  Office Chief ng 5th ID sinabi niya na Bagamat may mga nag-quit o hindi nakayanan ang pagsasanay ay agad namang may naipalit sa mga ito upang makahabol sa pagsasanay  at maabot ang quota na inilaan sa 5th ID.

Pangunahin sa mga kadahilanan ng pag-urong  ng 8  candidate soldier ang home sickness dahil mahirap na ihiwalay ang civilian mentality sa mga nagnanais na maging  sundalo.

Ayon kay  Major Tayaban na una pa lamang na alam ng aplikante na papasok siya sa buhay ng pagiging sundalo  kaya  dapat handa siya sa pisikal na aspeto sa pagiging sundalo.

--Ads--
Tinig ni Major Noriel Tayaban,  Division Public Affairs  Office Chief ng 5th ID Phil. Army

Nilinaw naman niya na bagamat umurong ang isang candidate soldier   ay maaari pa rin silang makabalik o mag apply muli sa kanilang hanay basta walang nalabag na honor code ng Philippine Army.