--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa 50% na ng mga Local Government Units (LGU’s) sa region 2 ang nakapagsumite na ng liquidation report sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 kaugnay ng pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Asst. Regional Director Lucia Alan ng DSWD region 2, sinabi niya na ilang munisipyo pa ang  isinasaayos  ang  kanilang liquidation report.

Mahirap aniya at komplikado ang pagsusumite ng liquidation report maging ang pagsasapinal ng listahan ng mga indibidual na nakatanggap ng SAP dahil kasali sa mga ililista ang kanilang mga anak at asawa pangunahin na sa mga LGU na maraming benepisaryo ng SAP.

Batay sa kanilang talaan, nasa 64 na munisipyo ang nakaubos ng pondo, 29 ang  hindi nakakumpleto na ipamahagi ang inilaan sa kanilang pondo para sa SAP.

--Ads--

Kapag nakapagsumite na ng liquidation report ang isang LGU ngunit may ilang nagsasauli pa rin ng natanggap ng ayuda ay kailangan lamang na itala sa kanilang ulat na naisauli ang ibinigay nilang ayuda at hinahanapan ng ibang kwalipikadong benepisaryo para makumpleto ang kanilang liquidation report.

Samantala, nangunguna ang Isabela sa may pinakamataas na resulta ng liquidation report sa limang lalawigan sa region 2.

Ayon kay Asst. Regional Director Lucia Alan, batay sa guidelines ay nakasaad na matapos ang pamamahagi ng unang bugso ng syuda ay kailangang agad na makapaghain ang LGU ng  liquidation report na  gagamiting batayan  ng pambansang pamahalaan sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng SAP.

Hihintayin pa ng DSWD ang anunsiyo ng pamahalaan kaugnay sa mahigit 5 million na dagdag na benepisaryo ng SAP.

Nilinaw ni Asst. Regional Director Alan na patuloy  ang isinasagawa nilang validation sa mga naunang benipisaryo ng SAP pangunahin sa mga LGU na may mga reklamo.

Ang pahayag ni Asst Regional Director Lucia Alan ng DSWD region 2