--Ads--

Sinusuri na ng Malacañang kung alin sa 13,917 flood control projects na isinagawa noong nakaraang administrasyon ang hindi naging epektibo sa pagpigil sa pagbaha.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hinihintay ng Malacañang ang ulat at datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa lokasyon ng mga proyekto, kung gumagana ang mga ito, at kung may mga ghost o substandard projects.

Tugon ito ni Castro sa tanong kung nagsagawa na ang Malacañang ng assessment sa mga flood control project na hindi umano naging epektibo kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Binanggit ni Castro ang Sunog Apog pumping station bilang halimbawa ng proyektong dati umanong hindi maayos ang pagkakagawa ngunit naayos at napagana matapos ang intervention at pagkukumpuni.

--Ads--

Iginiit ni Castro na kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at publiko upang matugunan ang problema sa pagbaha.

Patuloy naman ang mga proyekto ng DPWH para tugunan ang mga kakulangan sa drainage, pumping stations at waterways, ngunit ayon kay Castro, mawawalan ng saysay ang mga ito kung patuloy na itinatapon ang basura sa mga estero at daluyan ng tubig.