--Ads--

Asahan na sa susunod na linggo ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo .

Ito ang ikatlong sunod-sunod na pagtaas ngayong taong 2025.

Ayon sa kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay ito sa international fuel trading sa nakalipas na apat na araw.

Batay sa inilabas na datos ng mga kumpanya ng langis, ang presyo ng gasolina ay tataas ng 1 peso and.65 centavos kada litro, ang diesel ay 2 pesos and 70 centavos  kada litro habang ang kerosene naman ay tataas ng 2 pesos and 50 centavos.

--Ads--

Paliwanag ng ahensya , ang mga kaganapan sa international oil market ang isa sa mga nakaka impluwensya sa paggalaw ng presyo.

Partikular na dito ang pagpapataw ng panibagong sanctions ng US at UK sa Russian oil.