--Ads--

Nag-umpisa ang spekulasyon tungkol sa posibleng problema sa relasyon nina Mark Herras at Nicole Donesa matapos mapansin ng mga fans na nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram, nitong Sabado, Pebrero 7.

Bago ito, nag-post si Mark ng video na nagpapakita na siya ay umiiyak, naninigarilyo, at nag-iisa, na nagdulot ng pag-aalala sa kanyang kalagayan mula sa mga fans at kapwa artista.

Pansin din na limitado na ang mga komento sa kanyang Instagram page.

Samantala, ang pinakahuling post ni Nicole ay tungkol sa kanyang isang-buwan na progreso sa weight loss journey.

--Ads--

Wala pa rin silang opisyal na pahayag ukol sa kanilang relasyon.

May dalawang anak sina Mark at Nicole na si Corky (ipinanganak Pebrero 2021) at ang bunso nilang si Mija (ipinanganak noong Hunyo 2025), at ikinasal sa isang civil ceremony noong Setyembre 2021.