--Ads--

Pinangangambahan ng ilang tricycle driver sa Cauayan City ang posibleng pagbaba ng kita sa pasada dahil sa matinding init ng panahon at inaasahang epekto ng El Niño.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alexander Taguinod, tricycle driver, sinabi niyang maaaring mabawasan ang bilang ng mga pasahero habang tumataas naman ang kanilang gastusin, partikular sa gasolina at maintenance ng tricycle.

Aniya, maaaring piliin ng ilang pasahero na bawasan ang paglabas dahil sa matinding init, na posibleng magresulta sa kakaunting pasada at kita ng mga tsuper.

Dagdag pa niya, malaking hamon din sa kanilang kabuhayan ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa pasada dahil umaasa lamang sila sa araw-araw na kita mula sa pamamasada.

--Ads--