--Ads--
Inaasahang muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng isang source mula sa industriya ng langis, posibleng magpatupad ng rollback na ₱4.50 hanggang ₱4.80 kada litro sa diesel at ₱2.70 hanggang ₱3.00 kada litro naman sa gasolina.
Nakabatay ang naturang pagtataya sa galaw ng presyuhan ng langis sa Mean of Platts Singapore o MOPS at sa palitan ng piso kontra dolyar mula November 9 hanggang 13.
Ayon sa source, patuloy na nakaaapekto sa pagbaba ng presyo ng langis ang mga balitang may kaugnayan sa diplomasya, sa kabila ng nananatiling panganib sa suplay nito.
--Ads--
Inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis sa Lunes ang opisyal na pagbabago sa presyo na ipatutupad sa Martes.











