--Ads--

Isinagawa ang isang medical mission ng isang partylist sa Santiago City kung saan daan-daang residente ang nakinabang sa iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Roxan Aldacan, Field Coordinator ng isang medical team na pangatlong araw na ng kanilang operasyon at patuloy ang maayos na daloy ng kanilang serbisyo sa mga pasyente.

‎Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ay libreng blood sugar testing, cholesterol screening, urinalysis, X-ray, electrocardiogram (ECG), at complete blood count (CBC), bukod pa sa libreng konsultasyon mula sa mga doktor.

‎Dagdag pa ni Aldacan, target nilang makapagserbisyo sa humigit-kumulang 300 pasyente kada araw habang nakatakda pa silang magsagawa ng kaparehong aktibidad sa Bayombong, Quirino at iba pang bahagi ng Cagayan.

--Ads--

‎Matatandaang layunin ng nasabing medical mission na mailapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad na nangangailangan nito, lalo na sa mga residente na may limitadong access sa serbisyong pangkalusugan.