--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghiwalay muna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang isang menor de edad at kasintahan nito sa San Mariano Isabela matapos na sila ay magsama na sa bahay.

Pinauwi muna ang menor de edad na dalagita sa poder ng kaniyang magulang matapos nitong makipag-live in na sa kanyang boyfriend.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MSWD Officer Fatima Telan, sinabi niya na kailangan munang paghiwalayin ang dalawa dahil wala pa sa wastong gulang dahil labing limang taong gulang pa lamang ang dalagita.

Aniya kailangang sundin ang batas lalo na sa anak ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

--Ads--

Isa ito sa natalakay sa ginanap na pagpupulong ng Pamalahaang lokal ng San Mariano Isabela upang mapaalalahanan ang mga magulang na bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak upang maiwasan ang early marriage at teenage pregnancy.

Nararapat lamang aniya na huwag I-tolerate ng mga magulang ang maagang pag-aasawa ng kanilang anak.

Desisyon ng magulang ang dapat pairalin kapag mga menor de edad pa ang kanilang mga anak at kung kailangang paghiwalayin muna ang mga ito ay mas maigi.