--Ads--

Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division ang kahilingan ng prosekusyon na alisin si Felicito Cristobal Guevarra sa listahan ng mga akusado sa kasong plunder na kinakaharap ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang makapagtalá bilang testigo.

Sa 11-pahinang resolusyon, inaprubahan ng korte ang amended information at nilinaw na ang proseso ay pre-plea exclusion of an accused sa ilalim ng Section 14, Rule 110, at hindi discharge bilang state witness.

Hindi rin pinagbigyan ng korte ang pagtutol ni Romualdez dahil pormal lamang umano ang pagbabago at hindi makaaapekto sa karapatan ng mga akusado.

Pinayagan ding humalili si Guevarra kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang testigo ng prosekusyon sa bail proceedings.

--Ads--

Ayon sa Ombudsman, mahalaga ang testimonya ni Guevarra sa pagtukoy sa umano’y daloy ng pondong sangkot sa kaso, kabilang ang paglilipat ng pera sa pamamagitan ng Samchan.

Samantala, mananatili muna siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation habang hinihintay ang kanyang pagpasok sa Witness Protection Program dahil sa mga usaping pangseguridad.