Gumawa ng panibagong kasaysayan si football superstar Lionel Messi matapos pangunahan ang Argentina sa 3-0 panalo laban sa Algeria sa kanilang unang laro sa FIFA World Cup 2026 ngayong Hunyo 17.
Nagpakitang-gilas si Messi sa naturang laban na ginanap sa Kansas City Stadium matapos maitala ang lahat ng tatlong goal ng Argentina.
Naipasok ng beteranong manlalaro ang kanyang mga goal sa ika-17, ika-60, at ika-76 na minuto ng laro upang tulungan ang Argentina sa matagumpay na pagsisimula ng kanilang kampanya para depensahan ang titulo.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa karera ni Messi na makapagtala ng hat-trick sa isang laban sa loob ng FIFA World Cup.
Sa kanyang ikatlong goal, naitala ni Messi ang kanyang ika-16 na goal sa kabuuang paglahok sa World Cup, dahilan upang mapantayan niya ang rekord ni Miroslav Klose ng Germany bilang all-time leading scorer sa kasaysayan ng Men’s World Cup.











