--Ads--

Inimbitahan ng Argentina si Lionel Messi para sa isang farewell appearance sa kanilang home friendly match sa Oktubre, matapos nitong magretiro sa international football.

Kinumpirma ni Argentine Football Association President Claudio Tapia na nais nilang bigyan ng nararapat na pamamaalam ang kanilang captain at football icon sa Oktubre 6 sa Buenos Aires.

Makakaharap ng Argentina ang Benin sa Monumental Stadium, kung saan inimbitahang lumahok si Messi para sa kanyang farewell match.

Bago nito, haharapin ng Argentina ang Bolivia sa Setyembre 30 at Burkina Faso sa Oktubre 3 bilang bahagi ng kanilang home friendlies sa FIFA international window.

--Ads--