--Ads--

CAUAYAN CITY – Maigting ng ipinapatupad Milan, Italy ang 1 meter away policy at 1 client at a time policy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nita Betuing, isang Caregiver sa Milan Italy na tubong Rizal Nueva Ecija, sinabi niya na mahigpit na minomonitor ng mga otoridad ang nasabing polisiya na ipinatutupad sa mga pamilihan, bar, public transportation at super markets habang isa-isang pinapapasok ang mga mamimili at mananakay.

Maari namang mapatawan ng kaukulang multa ang mga mahuhuling lumabag sa unang pagkakataon at maaari ding makulong ang mga mahuhuli sa second offense habang ang mga establiyimentong nahuhuling lumalabag sa 1 client at a time policy ay mapapatawan ng mas mataas na multa.

Tinig ni Nita Betuing, isang Caregiver sa Milan Italy.