--Ads--

CAUAYAN CITY – Negatibo sa African Swine Fever (ASF) ang 70 blood samples na ipinasuri ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa Bureau of Animal Industry (BAI) noong nakaraang linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr.  Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng DA region 2, sinabi niya na nagkaroon sila ng pagdududa matapos na magkasakit at mamatay ang ilang alagang baboy sa  Nueva Vizcaya.

Dahil parehas ang ilang sintomas ng hog chlorera at ASF ay minabuti nilang kunan ng  blood samples ang mga ito.

Tiniyak ng DA region 2 na ligtas ang mga baboy sa rehiyon dahil negatibo ang resulta ng pagsusuri ng BAI sa mga blood samples.

--Ads--

Sa kabila nito ay nangangamba ang DA region 2 na maaaring maharap sa kakulangan ng tustos ng baboy ang rehiyon dahil hindi pa  pinapayagang makapasok ang mga baboy mula sa mga karatig na rehiyon.

Tiniyak ng  DA region 2 sa  publiko na ligtas sa ASF  ang mga produktong baboy na gawa sa ikalawang rehiyon.

Ang tinig ni Dr. Roberto Busania