--Ads--

Nananawagan ng solusyon ang mga negosyante sa pampublikong pamilihan ng Santiago City matapos mabiktima ng magkakahiwalay na pagnanakaw ng paninda at kita.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Teresita Santos, isang fruit vendor, ibinahagi niya na malaki ang tulong ng CCTV sa pagtukoy sa mga suspek, gaya sa kaso ng isang tinderong ninakawan ng isang basket ng karne na nagkakahalaga ng halos P3,000.

Mismong si Ginang Santos ay naging biktima rin nang manakawan ng P1,000 kita ilang araw bago mag-Pasko, kung saan sinamantala ng suspek ang kawalan ng kuryente dahil sa bagyo noong wala pa silang CCTV, bagamat natukoy din kalaunan na isang menor de edad ang salarin.

Dahil sa mga insidenteng ito, nagpatupad sila ng mas mahigpit na seguridad sa pamamagitan ng paglalagay ng mga CCTV camera na may alarm system.

--Ads--

Napansin naman ang pagbawas ng mga kahina-hinalang aktibidad kaya umaasa si Santos na patuloy na mapoprotektahan ng surveillance system ang kanilang kabuhayan at seguridad sa pamilihan.