--Ads--

Nadakip ng mga operatiba ng Isabela Police Provincial Office ang dalawang Iranian national matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa mga ito kaugnay ng kasong Pagnanakaw dakong noong Nobyembre 3, 2026 sa Roxas Municipal Police Station, Barangay Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina alyas “Jet”, 55 taong gulang, may asawa at negosyante, at alyas “Faji”, 27 taong gulang, walang asawa at helper. Kapwa silang Iranian national at residente ng Barangay Sta. Terisita, Angeles, Pampanga.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Roxas Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO at Arayat Municipal Police Station.
Ang warrant of arrest ay may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng PHP12,000.00 para sa bawat isa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Roxas MPS ang dalawang akusado habang hinihintay ang kanilang turnover sa korte na naglabas ng warrant. Nakatala rin ang nasabing warrant sa Enhanced E-Warrant System.

--Ads--