--Ads--

Grupo ng mga pulis nag-undercover bilang mga babaeng mananayaw sa isang street festival upang maaresto ang kilalang drug pusher na si Mekha Fa-wap-wap.

Sa anim na pulis na nakasuot ng kumikinang na costume, isa lang ang tunay na babae. Dahil sa mabilis na operasyon, narekober mula sa suspek ang 53 methamphetamine pills, mahigit 200 plastic bag para sa droga, at isang cellphone.

Nahaharap si Mekha sa kasong pagbebenta ng category one narcotics at ilegal na pagpapatakbo ng slot machine.

Hindi ito ang unang beses na gumamit ng kakaibang disguise ang mga pulis sa Thailand — kamakailan ay nagbihis din sila bilang lion dance troupe sa Bangkok noong Lunar New Year para mahuli ang isang pugante.

--Ads--