Fully booked na ang ilang bus terminal ngayong araw sa Santiago City bunsod ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Krissmark Rosario, booking officer ng isang bus company sa lungsod, sinabi nitong kapansin-pansing mas marami ang mga biyahero simula pa kaninang umaga kumpara kahapon kung kailan mayroon pang ilang bakanteng upuan mula sa ibang terminal.
Ipinaliwanag ni Rosario na sa kasalukuyan ay kakaunti pa lamang ang bumabyahe dahil karaniwang sa gabi inilalagay ang mas maraming schedule upang matugunan ang mas mataas na bilang ng pasahero.
Dahil sa sitwasyon, pinayuhan ni Rosario ang mga pasahero na magpareserve ng tiket hindi bababa sa dalawang araw bago ang kanilang planong biyahe upang masiguro ang kanilang upuan.
--Ads--










