--Ads--

Fully booked na ang ilang bus terminal ngayong araw sa Santiago City bunsod ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero.
‎
‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Krissmark Rosario, booking officer ng isang bus company sa lungsod, sinabi nitong kapansin-pansing mas marami ang mga biyahero simula pa kaninang umaga kumpara kahapon kung kailan mayroon pang ilang bakanteng upuan mula sa ibang terminal.
‎
‎Ipinaliwanag ni Rosario na sa kasalukuyan ay kakaunti pa lamang ang bumabyahe dahil karaniwang sa gabi inilalagay ang mas maraming schedule upang matugunan ang mas mataas na bilang ng pasahero.
‎
‎Dahil sa sitwasyon, pinayuhan ni Rosario ang mga pasahero na magpareserve ng tiket hindi bababa sa dalawang araw bago ang kanilang planong biyahe upang masiguro ang kanilang upuan.